Journey to this job :)
I was looking at my inbox and found this very old email. I sent this to a dear friend in 2006 detailing my pre-employment process in my current job. It’s great to reminisce these things, remembering God’s faithfulness J
I also did not know I can write email this long, kawawa naman yung bumasa baka inantok hehehe J
I am reposting J
========================================================================
Here's the great news...!!! ( ewan ko sa iyo ha..basta sa akin, great siya)
I am resigning!!!!!!!!!!!!!!! After 7 years!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! I will be starting sa new job ko on the 16th :) Guess anong company! PLDT! And guess ano position? Network Engineer sa Cisco!!!! Ndi lang un....NO CISCO EXPERIENCE necessary ung requirement ng job, entry level talaga ( un ang hinahanap ko talaga kasi wala akong ma aapplayan kung palaging may experience ang kailangan) tapos alam mo, first time mag offer ng ganitong position ang PLDT...and I am very fortunate to having clinched a slot out of the 15 slots na offered. I got the 13th slot. Tumawag ako kanina, they already got someone for the 14th slot...the 15th slot will come from Cebu. Out of hundreds of applicants ( may nag apply pa nga daw, mga senior engineers ng Globe Telecom pero ndi nila inentertain kasi di pa daw pasado sa Cisco, ung iba, currently studying cisco pa lang), masayang masaya talaga ako...Ecstatic will be an understatement. Galing ni God! Grabe! Grabe talaga! I will let my praises be heard!!!!!!!!!!!! ( kaya napabili ako nung 2 albums pa ng Bukas Palad sa sobrang tuwa)...medyo may bad news din like shifting ung sched, on-call 24 hours, i will be away from my family, from Lingkod at mas mababa ang salary kesa sa tinatanggap ko ngaun pero ok lang, the advantages more than outweigh the disadvantages naman..and kapag pinalampas ko pa ito, baka wala nang ganitong opportunity na dumating. Alam mo God is REALLLLLYY GOOD that He allowed many miracles in my pursuit sa job na ito. Ok lang ba magkwento? Haba kasi..I just want to show how GREAT GOD is. How FAITHFUL HE is. How HE considers me as HIS BELOVED DAUGHTER.
Unang miracle: I just knew of this job posting from a person na ndi ko kilala personally. alam ko lang siya via email kasi officemate ng classmate ko. He knows na pasado ako ng cisco at ECE kaya sinend niya ung job posting ( galing sa jobsdb.com) tapos agad naman akong tinawag for a prelim interview. Alam mo, palagi ako nag su surf sa jobsdb.com at jobstreet.com, araw araw yan pero nung mga panahon na pinost ung opening na ito, ndi ako nag i internet masyado that time!!! Dami ko inaaplayan sa mga sites na yan at dami rin tumatawag pero ndi ko feel minsan ung work or ung company na rin ( minsan nga tumawag pa ung Regal Entertainment...akala ko kukunin na akong artista, joke...IT pala hanap nila)...
Second miracle: As usual, pasado sa prelim interview, IQ at personality test ( wala naman bumabagsak dito eh) so proceed ako sa Technical Exam..medyo tagilid kasi in a short span of time, marami na akong nakalimutan sa mga ni review ko..ung mga kalaban ko, grabe, ang babata, mga 22-23 yrs old...new passer sa CCNA...at taga MAPUA lahat..so ang instructions...may online exam ( parang ung CCNA exam) at may actual exam..router configuration....ung actual exam, nakuha ko...
Tuloy ang kwento ( feb 2 na ngayon,hehhehe, sinulat ko ung first part kahapon)
Continuation ng second miracle...ung actual exam nakuha ko, pero ung online exam, ndi masyado kasi dami ko na nakalimutan but I remember that it was gotten from a book na ginamit kong reviewer nung nag re review ako for the exam..anyway...sabi ng HR, they will call us na lang if we advance to panel...aba, after 1 week, walang call..ako ngaun tumawag..alam mo verdict? BAGSAK kaming tatlo nung mga kasabay ko..BUT mere points lang daw...so they will evaluate our papers pa rin daw, depende sa panelists pa rin, they will give the go signal kung payag silang i panel kami kahit nga bagsak...pero ako, di na nag expect..so go on with my life na ako..sabi ko..Lord, cguro nga ndi para sa akin ito..pero guess what? Jan 2, earlymorning, I received a call....I am scheduled for panel Thursday that week!!!! Galing ni God ano? Ang naisip kong reason, baka wala nang applicants that time kasi nga naman sinong mag a apply ng pasko to new year? I doubt kung meron, hahhahaa...so in short, parang pinagtiyagaan na kasi walang applicants. hehehhe...
Third miracle: Panel Interview. Sabi ng HR, sa lahat ng process, dito daw namin galingan kasi ung mga panelists ay ang mga TAKERS...sila ang mag si signal kung tanggap ka or ndi..so kita kits kami ulit nung mga taga Mapua..ndi nila alam na bagsak kami sa test kung ndi ko pa sinabi so sabi ni Mam Crizel, out of the 3, 2 lang ang kukunin sa amin, tanggal ang isa. Kasi nga ung isa, galing sa cebu..sabi nga namin, kunin na kaming 3 tapos bunutan sino sa Cebu, hahhahaha...so last akong na panel...alam mo almost 2 hours akong pinanel..pero ito na yata pinaka masaya kong panel kasi all throughout eh tawa kami ng tawa ng mga panelists ( 4 managers at isang VP), natatawa sila sa akin, hehhehe...enjoy na enjoy sila, lolz kasi dami napag usapan..work, family, salary, at eto...ung pagiging NBSB ko hehehhe( alam mo ba un? No boyfriend since birth!!!)..tapos sabi nila kaya cguro daw wala pa ako BF baka daw na i intimidate guys sa akin ( intimidating ba ako?) tapos sabi ko...hirap sa mga lalaki kapag one of the boys ka, they do not see you as a prospect, hahhahaha....sabi ko pa nga sa kanila, tanggap ko na na magiging matandang dalaga ako..sabi nung isa..wag ko daw sabihin un kasi dami daw matandang binata na engineer sa PLDT, kung gusto ko daw bagong biyudo meron din daw......tapos tawa ulit sila...tapos miracle pa...2 of the panelists knows LINGKOD!!!
After the int..sabi ng HR..kung gusto daw namin after lunch, pwede kami call at alam na namin kung pasado kami sa panel...so call ako, mga 6 pm na...Pasado :) I also learned that ako lang pala pumasa hehehe..kasi ako lang daw ang madaldal ( sa wakas, my kadaldalan worked on my advantage)..nun ngang na pa panel ako..text ako ng text, sine send ko sa sarili ko ( praning na rin ako nun heheheh)..sabi ko sa text..Lord, give me what I deserve....
Fourth Miracle ( eto na ang greatest miracle!)- So since pasado sa panel advance ako sa PE..I was scheduled for Tue..tapos tumawag ako ng friday, bigla ako kinabahan kasi meron din pala bumabagsak sa PE..kinabahan ako kasi ndi ok ang health ko. tapos un na ang inisip ko day in day out kaya nung Sun na nag work ako, i just thought of having my BP checked, grabe, 150/110! sabi ng doctor, bakit daw wala pa ako nararamdaman eh sa ibang tao, na co confine na sa lagay na un pati nurses, gusto na ako pauwiin. Lalo ako kinabahan at lalong tumindi ang dasal ko! so nung chineck ulit ng doctor ng AOL, taas pa rin so he asked me if I want to go on BED REST..aba! walang kaabog abog, sabi ko YES!!!! tutal day off ko ng Tue...u see? advantage kasi makakapagpahinga ako for Tue ( galing ng timing ni God talaga) then came TUE...grabe, taas pa rin BP ko, sabi ng doctor..naku iha...paano ka matatanggap dito kung ganyan ang BP mo ( but she was smiling)..tapos ending..buong ARAW as in panay lang BP sa akin until 3 pm ( mga 20 times cguro)..sa makatwid, ndi ako natapos sa PE ko..( lalo niyan ako kinabahan tuloy) pero ang maganda doon, kahit pala ilang araw ka pabalik balik doon for the BP eh ok lang..may nakasama nga ako, nov pa siya nag papa BP hehhe..di ka kasi mag pro proceed sa xray, urine kung ndi tapos BP mo...tapos nag pa check up Wed sa doctor namin...at pinag bed rest ako, this time, 3 days..sabi ko, AYOS!! kaya kahit kasalanan, i went back to PLDT ng Thu ( pero grabe ang disguise ko kasi baka may makakkita sa akin, naku immediate termination bagsak ko) tapos ayun na naman, MATAAS pa rin BP ko, this time, may nakasama ako, mga 5 kami..tapos tinawag na kaming HIGH BLOOD GROUP..ung isa nga, 20 yrs old lang, 190 na ang BP ( o di ba, pang stroke na, hehhe) tapos medyo napagod na ang dr sa amin kaya binigay kami sa secretary niya, kapag ndi ok BP mo sa sec niya, ndi ka niya i B BP...tapos MIRACLE...hanggang 3 pm lang ang PE pero at 2:30, pumalo ng 130/90 ( taas pa rin un pero sa kanila, ok na un)...talunan kami pati secretary ni Doctor at pinatakbo na ako sa doctor ( ung kasama ko sa Highblood grp eh ndi pa rin ok..ung 2 nag Ok pero nung sa doctor na, tumaas ulit)...tapos nung nasa doctor na ako, that was 2:40...greatest miracle! pumalo ng 120/80!!! tapos sabi ng doctor ( pati siya natuwa)..AY, NDI KO NA UULITIN, baka tumaas pa...ISUSULAT KO NA!!! tapos tumatawa kami..tapos nag check pa siya iba..nung chineck niya mata ko..pinasuot niya salamin ko, pinabasa niya LINE 8..eh MEMORIZE ko un eh!! D E F P O T E C!!! kaya sinabi ko sa kanya letters kahit ndi ko nakikita, hahhahha ( para na lang ndi na niya sabihin na need upgrading salamin ko kasi alam ko naman un at kaya ko nang ipagawa salamin ko) tapos ayun, na cleared na ako for X ray, urine and blood..in 20 min malinis, natapos ko PE...These things are amazing talaga!
Verdict nung PE: Physically Fit :)...buti na lang kasi nung last week nun, may UTI ako..tapos 1 week akong nag buko juice..ayos, wala nang trace, hehehheh...kakatuwa nga doctor kasi nung nag 120/80 ako..biniro ko siya na baka gawin niya akong SUBSTANDARD ( kapag eto ang PE mo, BAGSAK ka sa PE, thus, ndi mo makukuha ung job)...tapos sabi niya HINDI, kapag ndi ka pa tumigil diyan, gagawin talaga kitang substandard..pero tumatawa siya...
So un..nagpirma na ako nung mga insurance, 201 files...pero ung major orientation, sa 13 pa....
Alam mo ba, nung nalaman kong officially hired na ako ( tumawag ako to confirm), nagkulong ako sa CR at umiyak..no..ndi umiyak ang term...HUMAGULGOL...sa tuwa..tears of joy...you know what I mean...I was just so joyful talaga. I kept on praising God. lahat ng paghihirap ko, natumbasan na...I;ve been a butt of jokes sa AOL kasi...they know me as ..."Aral ng aral pero wala namang nangyayari sa kanya" or sasabihin nila..bakit ndi mo paganahin pagiging Engineeer mo? ...ganun palagi...kc nga wala na yata ako ginawa kundi mag aral ng mag aral ( parang doon ko kasi dinidivert frustrations ko sa work)..ndi mo ako mapapabili ng high tech na cell, magandang jeans or magandang damit kc halos ng pera ko, napupunta sa pag aaral ..imbes sa material things ako mag invest..i would rather invest in education and I love studying! ( kaya masaya ako kapag may nalalaman akong nag aaral sa AOL, I would encourage them to continue that..and gud news...dami nang nag aaral ng cisco ngaun na taga AOL)..naalala mo ung essay ko for the Lingkod book? Ung sinubmit ko? ndi siya nakuha..the book was published last oct sa NLTC kasi may isang sister na sumulat din ng about finding the right job, ung sa kanya ang pinili..but ok lang..I kept on re-reading it and truly...God's knows BEST......( baka i post ko siya sa friendster blog ko...)..baka itanong mo, why it took me that long to transfer...kasi mainly..family...i was helping my family ( pero ndi bread winner), kumbaga we see ourselves as a Lamesa..kapag nawala isang paa..mahihirapan na sa finances..so tiniis ko..pero now that I am old na and sila rin, narealize namin na we can compromise naman and tumatanda na ako, baka wala nang tumanggap sa akin niyan though I will always have teaching as back up ( tumawag nga MAPUA nung time na nag a apply ako sa other company) and I am happy that my family is supportive..in fact ung nanay ko...nag agree na ndi muna ako magbibigay sa kanya habang mababa pa ang sweldo ko ( kawawa nanay ko, palaging sya ang nag sa sacrifice)..ung struggle ko nung processing pa lang appliocation ko,,,sangkatutak na mass sa iba't ibang churches sa san fernando ang inoffer sa akin ng family ko..sangkatutak na Holy Hour...alam naman kasi nila dream ko..ndi ko pinapangarap maging mayaman ( kasi kung un ang pangarap ko then singapore ang tatargetin ko kasi super daming opening doon sa cisco) pero ndi, local employment lang ang gusto ko , ang gusto ko lang ma pursue ko ang gusto kong work..ung interest ko talaga....
and I am happy because Lingkod has a branch in Makati, pero parang mas gusto ko mag attend sa Greenhills....pero kahit saan, basta Lingkod yan, ok! Kasi baka ndi na ako masyado makapag attend sa Angeles....ung prayers ko is sana kahit nasa manila na ako..makapag serve pa rin ako sa Kanya thru Lingkod...Galing nga ni God kasi dinala niya ako sa Manila nung nasa renewal na ako ( ndi naman ako santa pero nag iba na ako kesa sa dati) kasi kung let us say, I was hired sa manila during those times na wala pa ako sa renewal..wala na..baka nagwala na ako..or worse baka naligaw na ako ng landas...kc nung bata ako..I want to go to manila because I want to party, bar hopping..but now...I am excited to go to manila because I will be with kapatids sa Lingkod na taga Manila and I would be able to attend their activities....eh sa lingkod naman, may fellowship naman, pero clean fun...syempre. I am excited to go to manila kasi may POWERBOOKS doon! Libre basa! Yahooo!!!! pero for now, uwian muna ako kasi titignan ko pa sitwasyon although may sister na from Makati na nag offer ng space niya....tapos un...problema ko pa..goodbye maong na ako, hahaha..tapos dapat marunong na akong mag make up hahahaha..( grabe, magiging ladylike na yata talaga ako hahahha...boyish kasi ako..pero di ako tomboy ano!). Siyanga pala...ung isang nag panel sa akin, siya magiging boss ko...kinuha niya ako for his department..bata lang, mid 30s, 2 kami na girls na kinuha nya, taga Mapua ung isa. Sana maka live up ako sa expectations niya. Basta kung ano man mangyari sa akin doon ( ke ma lay off ako, ma terminate , wag naman hahhaha), si God na ang bahala sa akin. Pray for me ha?
Daldal ko ano? Understatement din yan! hehehehe..napasarap kwento ko sa iyo hehehhe at least you will know why I am really happy and kung bakit siya GREAT news!
Annual PE namin sa AOL..will still go through it? Why? Sayang ung libreng eyeglasses, 1K din un, hhehhehe
Tapos panay pa check up ko...sinasagad ko ung Medicard hehhhe
Sasagarin ko na rin Dental benefits....
Pero ma mi miss ko rin naman AOL..wala akong masabi....AOL is one of the best Employers here in pampanga ( in fact, better pa sa ibang companies sa manila), un nga lang...walang lugar ang ECEs dito...pero cguro dahil single ako kaya may hinahanap pa akong challenge..pero kung married na ang isang tao...the best na sa AOL to stay for good....ung kamag anak ko, sasabihan ko na magbayad na siya ng Feb bill niya sa AOL, hehehhe...nailibre ko siya ng AOL account niya for 6 years! ilang 23.90 din un ha....pero yaman na naman un, wala sa kanya ang 23.90 a month....
Sige, hanggang dito na lang ( ndi ka pa ba hilo? lolz). punta na ako sa PE room... Thanks for reading....Salamat talaga..To God be the Glory!
She


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home