Catergeia's Heaven

heaven (noun) : a place of utmost happiness; a medium to express my thoughts on this journey called Life.....

Tuesday, August 21, 2012

Curious lang....

May nabibili pa bang Sweet Dreams pocketbooks ngayon? Eto ang first pocketbook na nabasa ko and I remember that every teenage girl raved about it (kung nakaka relate ka, hala, ka batch kita, hahaha). Nung una, wala ako kahit isang copy na masasabi kong akin kasi puro lang naman hiram ang ginawa ko noon (at wala rin naman talaga akong pambili). Ang natatandaan ko na nagandahan  talaga ako sa kuwento ay Dear Amanda at yung mga sinulat ni Barbara Conklin (P.S. I love you, Falling in Love Again).  Eto rin pala ang first attempt ko of using the dictionary in the truest sense of the word. Dami akong natutunan na vocabulary. Thank you sa mabait kong pinsan, ibinigay niya sa akin ang lahat ng Sweet Dreams pocketbooks niya pero sa kasamaang palad, nahikayat ako ng isang kapitbahay na ipa rent-a-book ko siya, kakilala daw niya. Kikita pa daw ako. Ang ending, kahit isa, walang bumalik sa akin. 

Bakit ko ba biglang naisip ang Sweet Dreams? Nagkaroon kasi kami ng clean-up drive for brothers and sisters na nabaha nung Habagat. Sa house na nilinis namin, nakita ko na ang daming books ang nabasa at hindi na talaga pwede. Nalungkot naman ako being a lover of books. Yung mga nabasa pa naman, halos hindi ko pa nababasa at magaganda lahat ha! Tapos enter ang light bulb….naisip ko ang Sweet Dreams. Wala lang, walang konek talaga noh? Hahaha.

Sweet Dreams = Highschool memories = Catergeia J


scb/08222012

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home