Catergeia's Heaven

heaven (noun) : a place of utmost happiness; a medium to express my thoughts on this journey called Life.....

Monday, March 10, 2008

Nostalgia

Naka-relate ako sa ibang nakasulat dito :)
 
Alalahanin ang nakaraan :)
 
=============================
 
1. Cherry Foodarama sa Shaw Boulevard: May mga Koi Fish sa labas, at yung mama sa hardware section kamukha ni Mr. Spock sa Star Trek.

2. Choo Choo Junction malapit sa Shakey's Greenhills.

3. Hindi pa cementado yung fountain ng Greenhills Theater.

4. Before McDonalds meron nang Big 20 Hamburger.

5. Malaking chismis na ang Jollibee burgers ay gawa daw sa uod.

6. UFO Burger ng Shakey's, served on a plate na may red na plastic dome cover na mukhang UFO.

7. Feeding the fish sa likod ng Virramall.

8. Pumupunta ka sa Fun House sa loob ng Greenhills Arcade para tumingin ng Blood Capsules, o Snapping Chewing Gum, at aliw ka sa Frankenstein na nasa harap.

9. Iron-On Station sa Unimart: Pipili ka ng T-shirt at pipili ka ng Iron-On na pinepress nila on the spot.

10. Unang tikim mo ng Orange Julius at waffledog sa Unimart

11. Coney Island ice cream sa likod ng Unimart una kang nakatikim ng waffle cone, at Eskimo Roll.

12. Gift Gate: Lego, Hello Kitty at Sanrio, Matchbox Cars at Stationery.

13. Unang bukas ng McDonalds sa Greenhills: aliw ka sa drive-thru at sa playground.

14. Maggie Noodles Promo: Futuristic car racing stickerboard. Yung mga sticker ng mga cars nasa loob ng pack ng noodles. Tapos dinidikit mo sa sticker board na raceway na makikita mo sa gitnang fold out page ng Panorama Magazine.

15. Milo Promo: Wild West plastic toys. Nakukuha mo yung plastic toys sa loob ng Milo cans. Mga cowboys at indians. Pati mga olympic stand up toys often called Tautauhan.

16. Flying Tee: Simple plastic propeller + stick assembly na pinapalipad mo by sliding your palms. Nakukuha mo sa cheese snacks na usually nabibili sa mga vendor sa labas ng eskwela.

17. UFO Space Helmet: Nabibili mo sa Greenhills o sa Divisoria. Comes with a set of stickers na circle with numbers printed on them na dinidikit mo sa harap, sa taas ng visor. May dalawang antenna on each side. Isang beses nagka malaking parade ang Coca Cola sa Greenhills at yung mga naka space costume at rollerskates suot-suot nila itong helmet na to.

18. Plastic Sword Toy: Nabibili sa mga palengke. Yung gold and handle tapos may red na plastic gem sa end ng gold handle, meron pa kasamang black na plastic case na kasing haba ng sword.

19. Star Rangers: Pinaka unang ranger series na imported from Japan. Laging pinag-aawayan kung sino ang magiging Star 1 (Red Ranger) pag-naglalaro. (Di ba 'to Biokids?-Joy)

20. Maraming may Voltes V na laruan. Yung kapitbahay mo na may-ari ng hardware na mayaman merong Daimos na binili sa Hong Kong. Pero yung tisoy na sikat sa school may Gendizer! Kumpleto pati yung UFO! Nilalabas lang niya bawat recess time o uwian para hindi ma-confiscate ng teacher.

21. Pag lumalangoy ka sa swimming pool, iniisip mo na bubukas ang ilalim at lalabas si Mazinger Z!

22. Kung babae ka, lagi kang naiiyak sa Candy Candy. Kung lalake ka, ayaw mong ipaalam sa mga classmate mo na pinapanuod mo yun.

23. Nuong unang bisita mo sa Camp John Hay sa Baguio, aliw ka sa vending machines na may Fanta (in cans!), mini-golf, at PX Goods na grocery. Feeling mo nasa states ka dahil rin malamig!

24. Ang unang Coke in cans hinihila mo yung tab para humiwalay sa can, pero minsan nakaka-sugat kayat dahan dahan mong iniinom.

25. Si Lolo at si Lola laging may reserbang lata ng Sky Flakes o Sunflower crackers.

26. Nuong field trip mo sa Goya Fun Factory ang una mong hinanap ay yung chocolate stream kasi nakita mo sa commercial.

27. Popular T-shirt designs na embossed at puffy: Star Rangers, Watari The Wonder Boy, Voltes V, Daimos, Superman, at Batman.

28. RC Racetrack sa may parking lot ng Unimart: kung saan nag-kakarera ang mga gas powered na RC, usually Formula 1 cars, at amoy gas pag nanunuod ka sa tabi. Ginawang Mini-Golf (Par 44) na may dinosaur nuong late 80s.

29. Pinag-susuot ka ng corduroy na pantalon.

30. Minsan nalilito ka sa schedule ng GMA 7. Excited ka manuod ng Voltes V pero ang palabas ay Kapwa Ko Mahal Ko na ang host si Orly Mercado. Ang sponsor ng Voltes V ay Purefoods at Square Fruit Chews candy na gawa ng Sugus. Yun ang mga logo sa Voltes V coloring books.
31. Natatawa ka sa matabang intsik na bata na nakasuot ng chef uniform sa commercial ng Marca Pina. "Pina asim!"
32. Curious ka sa lasa ng Lipovitan.

33. Paminsan-minsan may baon kang Yakult sa lunchbox mo.

34. Aliw ka sa rainbow colors ng Fruit Stripe chewing gum, yung may cartoon na zeebra sa package, pero mahal. Kaya bumibili ka sa sari-sari store ng Big Boy bubble gum. (Red/orange at yellow ang papel na wrapper).

35. Kinukulekta mo ang tansan ng softdrinks para sa Superhero board game na larong dama.

36. Aluminum tube pa ang mga toothpaste noon, at napaka-futuristic ang dating ng unang labas ng Pepsodent dahil plastic ang tube.

37. Mas mukhang masarap ang itsura ng Hubbard Chicken commercial kaysa sa Magnolia Chicken.

38. Meron pa noon Beef Curlz ang Jack & Jill snacks. Ang Chippy nabibili din sa canisters. Hindi lang Chocolate Pretzels ang meron kundi yung plain sugar na pretzel sticks.

39. Piso lang ang isang maliit na bowl ng Taho. Pag malaking bowl, binabayad mo 5 pesos, yung green na 5 pesos. Maraming taho yun at kasya sa buong pamilya pang meryenda.

40. Ang Sunkist Juice ay nabibili sa triangle na tetra-pack. May papel na selyo na peel-off bago mo saksakan ng straw.

42. Merong Daisy brand na milk. May plain, chocolate, tapos yung pink ay strawberry flavor.

43. Pagandahan ng pencil box sa school. Ibat ibang mga design, pero ang pinaka maganda ay yung super pencil box na dual layer na folding, na maraming compartments. May pop-out na pencil sharpener, sliding ruler, at special compartment para sa eraser.

44. Uso sa school ang Bensia Space Pencil. Transparent ang casing na iba ibang kulay at parang bala yung mga pencil tips na pinapasok sa end ng pencil. Sabi sa iyo ng mga classmate mo na yung pwit ng pencil ay pwedeng eraser, pero hindi naman totoo dahil plastic lang yun!

45. Mga ballpen na gamit natin sa school: Kilometrico ("I write thousands and thousands of words."), Haba Haba Ballpen ("...writes long!"), Escribo, at Scribbler Footlong ballpen na sumikat matapos ginamit sa Bagets. Pag-nakatanggap ka ng sulat sa crush mo at mabango, ibig sabihin Funny Friends ang ginamit niya.

46. Paramihan ng stickers, pencils, at erasers.

47. Paramihan ng Tex Cards! Sikat ang Zuma na Tex at comics.

48. Questor Magazine Book: Featuring Voltes V, Daimos, Mekanda Robot, Grendizer, Getta Robot, at Mazinger Z. Smooth hi-grade paper at napaka-gandang illustrations.

49. Lagi mong pinapatugtog sa record player mo: Super Robots na LP, Nail Clippers, o VST & Company.

50. Kahit saan ka pumunta pinapatugtog ang BeeGees.

51. Russel Yoyo craze na pakulo ng Coca Cola! Coke (red/white), Royal (all orange), Sprite (green/white), Mellow Yellow (yellow/white), Super Spinner (Coca Cola face/transparent sides). Pinag-ipunan mo para bumili ng super spinner, pero nalaman mo na madaling maputol ang string pag-ginagawa mo ang "walking the dog" trick. Pupunta ka sa sari-sari store para bumili ng bagong yoyo string, at hinihintay mo mapanuod ang yoyo contest sa Student Canteen.

52. Pag-gumising ka ng maaga at nakatutok ang mga katulong sa AM Radio (DZRH Radio Balita) at umuulan ng malakas, ibig sabihin bumabagyo at walang pasok.

53. Similar ang amoy ng bagong notebook at mongol pencil sa amoy ng ulan. Pero ang totoo, naiisip mo lang yun dahil tag-ulan pag umpisa ng pasukan.

54. MaMonLuk masarap na mami at siopao.

55. Aristocrat Restaurant sa Roxas Boulevard dating tambayan ng mga artista.

56. Pag hapon nanunuod ka ng Piling Piling Pelikula, o Takilya sa IBC Channel 13.

57. Si Dante Varona ang tinawag na hari ng stunts. Tumalon siya mula sa taas ng San Juanico Bridge to prove it!

58. Inaabangan mo ang commercials ng VOS Brandy at White Castle Whiskey dahil laging may sexy na babae. Laging may mga sexing babae na naka-bikini at nakasakay sa puting kabayo sa beach. VOS Brandy Jingle: "V.O.S, VOS Brandy. VOS Brandy, pang rooooooo, maaaaan, saaaaaaa!" Dialogue ng sexing babae na naka suot ng pula: "VOS Brandy 5 years, pang romansa, especial."

59. Si Bert Tawa Marcelo at si Pelita Corales ang hosts ng Bagong Kampeon. Natatawa ka sa mga jokes ni Bert, at pag nagtatagalog si Pelita meron siyang Cebuana accent.

60. White Rabbit candy, nakakain mo yung papel! Minsan nakikita mo na offering sa Sto. Nino ng bahay ng lola mo.

61. Haw Flakes, kungyari 1st communion.

62. Sa Club Filipino at Jeepney Bar sa Intercon Hotel ang may pinaka-masarap na Fresh Mango Juice, at Green Mango Juice. May totoong mga Jeepney sa loob ng Jeepney Bar noon na pinapasukan mo at doon sa loob ng Jeepney may mesa kung saan ka paghahandaan. Tapos pwede ka umupo sa harap ng jeep para magkungyari na ikaw ang driver na namamasada. "Beep! Beep!"

63. Wala pang cable noon, pero meron namang Far East Network (FEN) ng US Armed Forces. Doon ka unang nakapanuod ng Wheel Of Fortune.

64. Ang sikat na heavyweights noon ay sina Ike Lozada at Dabyana.

65. March 23, 1973 ang opening day ng "Lipad, Darna, Lipad!" starring Vilma Santos, breaks box office records. Ang cast ay nag-pamigay ng Darna dolls, at ang Coca Cola ay nagpamigay ng Darna character masks. Hindi pa matangos ang ilong ni Ate V noon, as you can see sa mga letrato rito.

66. Every Sunday hinahanap mo yung "A slice of life" cartoon page ni Larry Alcala sa Panorama Magazine. Naka bellbottoms pa yung mga tao sa drawing niya. Nakakatuwang full-page cartoon na hahanapin mo yung mukha ni Larry na nakatago.

67. Hindi ka makatulog dahil sa movie trailer ng "Shake Rattle And Roll".

68. Gumigising ka ng maaga tuwing Sabado para lang manuod ng Saturday Fun Machine. Nabibwiset ka pag hindi mo naabutan ang mga cartoons sa simula.

68. Yung Cheez Whiz containers kapaerho ng Lily's Peanut Butter.

69. Dippin Donuts malapit sa Fiesta Carnival.

70. Happy Burger sa Escolta.

71. Pinaka exciting manuod ng PBA noon, at ang pinaka-matinging teams ay Crispa at Toyota. Either idol mo si Atoy Co o si Robert Jaworski.

72. Lagi kang naglalaro ng Agawan Base tuwing recess, pero ang pinakamasaya pag-uwian. Tapos pinaguusapan ng buong classroom ang labanan the next day. Ang pinaka-sikat sa school ay yung pinaka-mabilis tumakbo at bihira mahuli.

73. Ginagaya mo yung takbo ni Lee Majors ng Six Million Dollar Man. Kungyari slow-motion tapos may sound effects pa! "Nengenegeneng...nengenegeneng... nengenegeneng...!"

74. Ang top interview talk show ay Seeing Stars With JQ, ni Joe "take it away!" Quirino. (Heto siya with the lovely Boots Anson Roa.)

75. Bata pa si Lea Salonga sa commercial ng KLIM Powdered Milk.

76. Ang pinapanuod ng lahat na drama series ay: Anna Lisa starring: Julie Vega (GMA 7), vs. Flor DeLuna starring: Janice De Belen (RPN 9).

77. Kahit hindi mo naiintindihan, pinapanuod mo ang Chinese Movies tuwing Linggo sa channel 9 at 13. Pati commercials Chinese, gaya ng Pagoda skin cream at Tiger Balm!

78. Ang paburito mong noon time show ay Student Canteen! Hosted by: Eddie Elarde, Bobby Ledesma, and Pelita Corales.

79. Swerte sa Siete ang show ni Eddie Elarde bago ng Student Canteen.

80. Malaking lata ng M.Y. San, La Pacita Biscuits, o kaya Fita ang ginagawang lalagyan ng bigas sa kusina. Tapos lata ng gatas ang pang-takal.

81. Sarap na sarap ka sa mga cooking recepies ni Stephen Yan tuwing nanunuod ka ng Wok With Yan. Lagi niya sinisumalan ang show by greeting the studio audience: "Heeeerrrrooooo!" At lagi siyang gumagamit ng ng "Sesame Street Oil..." (Sesame Seed Oil) at "Wanda Pawda..." (Wonder Powder). "Two tehbo spoon foo!"

82. Hit ang "In The Navy" at "Y.M.C.A." ng Village People, kaya nagka sing, dance and look-alike contest ang Eat Bulaga.

83. Panahon ng Martial Law maraming checkpoint, at pag may magnanakaw na nakapasok sa bahay ninyo, ang una mong tatawagan ay ang Metrocom. Pag hindi pa sila dumarating, gigisingin mo ang Barangay Tanod.

84. Late night show ang Penthouse 7 hosted by: Archie Lacson, Mike Monseratt, Ray-Ann Fuentes, Sandi Hontiveros at Ida Ramos.

85. Pag snack time sa school uso ang Horlicks: Chocolate (red package), at Vanilla (blue package). Tapos sumunod ang Ovaltinies na pakana ng Ovaltine.

86. Naglalaro ka ng Boggle at Sorry.

87. Si Imee Marcos ang host ng Kulit Bulilit sa IBC 13.

88. Minsan nag-hiking kayo ng mga Boyscouts ng school mo sa Mt. Makiling. Naiwan ang iyong patrol at akala mo nawala kayo at hindi ninyo mahanap kung saan ang tamang direksyon na pabalik sa campo. Sa takot ninyo, hinubad ninyo ang inyong mga damit at sinuot itong baliktad, dahil akala mo pinaglalaruan kayo ng Tikbalang. Mula noon, lagi ka nang nagsasabi ng "Tabi-tabi po" pag nag-hi-hiking ka sa gubat.

89. Ang baso ng Nescafe ang pinaka mabuting gamitin pang-"ispirit of the glass", dahil makapal at hindi madaling mabasag. Madalas mag-yayaan ang barkada na mag-"spirit of the glass" pag nagbabakasyon sa probinsya, o pag brownout.

90. Hindi "Mumu", kundi "Mamaw" ang tawag mo sa Multo.

91. Noong mid '80s nagkaroon ng malaking Satanist scare sa Maynila at nagkalat daw ang mga Satanista na kumi-kidnap ng mga bata para gawing sakripisyo sa demonyo. Sinigurado ng mga teacher sa school mo na pauwiin ang lahat ng bata agad-agad pagkatapos ng klase. Takut na takut ka noon, at panay ang tinggin mo sa mga vendor na hindi mo namumukhaan.

92. Nagka sleepover camping sa school mo kung saan nagsama-sama kayo ng mga classmate mo para mag ghost hunting. Masaya ang takutan at panay kwentuhan ng mga nakakatakot, pero ito rin ang perfect time na maging close sa nililigawan mo. "Wag kang matakot... akong bahala sa iyo." "Uuuuyyyy!"

93. Uso ang Happy Feet Sandals na bakya. Ang unang tindahan ng Happy Feet ay sa Ali Mall. Ang bawat pares ay P35, katumbas ng tatlong araw sa trabahong minimum wage ang sahod.

94. Natutuwa ka sa Prinsipe Abante, pero takot ka sa GuniGuni. Parehong palabas sa GMA 7.

95. Ang commercial ng RHEA Rubbing Alcohol, with Sonny Padilla Jr: "Hindi lang pang pamilya, PAG-ISPORTS PA!" (Thanks to Ponpokopon)

96. Ang ginagamit mong shampoo ay "Gee Your Hair Smells Terrific!".

97. Laging guest si Johnny Midnight sa mga talk show. Sikat ang kanyang midnight radio show at sa kanyang "Toning Water" na ginagawa sa ilalim ng isang metal frame pyramid.

98. Spanky ang panggalan ng elepanteng puppet sa Uncle Bob's Lucky 7 Club. Ang premyo na pinamimigay ni Uncle Bob usually mga figurines na pang-display sa bahay.

99. "Zorkar The Magician" magic show sa Folk Arts Theater.

100. 680 Home Appliances commercials with Rod Navarro.

101. Pag masakit ang tiyan, papahiran mo ng White Flower drops.

102. Cetrinets ang iyong chewable vitamins na nabibili sa Mercury Drug.

103. Isa sa paburito mong sitcoms ay "John En Marsha" (RPN 9). John Puruntong played by comedy king Dolphy. Also starring: Nida Blanca as Marsha, Deli Atay-atayan as Dona Delilah, Matutina, Rolly Quizon as Rolly, and Maricel Soriano as Shierly.

104. Nauubos ang chalk sa classroom dahil ginagaya ninyo ng mga classmate mo yung Colgate commercial with Eric Banes; kung saan niya binababad ang chalk sa tinta at pinuputol sa gitna para ipakita kung papano kumakalat ang cavities.

105. Nanunuod ka ng Big Ike's Happening, hosted by Ike Lozada sa GMA 7.

106. Sabi sa commercial ng Star Margarine tatangkad ka raw pag-hinalo mo to sa iyong kanin! Yun ang tinawag na Star Rice.

07. Pag pumupunta ka sa sari-sari store, may laging nagbabasa ng Aliwan Komiks. Usually "Anak ni Zuma" ang paburitong basahin ng tagabantay ng tindahan.

108. Pinalabas ang "Miss Aruba Went to Town" noong 1974 starring: Maureen Ava Viera (Miss Aruba) and Francis Arnaiz.

109. A thrilla in Manila! 1975 ang laban ni Muhammad Ali at Joe Frazie

110. Ginagaya mo ang dance moves ng: The WEA twins, The Aldeguer Sisters, and The Nailclippers.

111. Lagi mong pinapanuod ang kalokohan ng Eskalera Brothers ng Iskul Bukol. Kasama rin sina Miss Tapia, Tonet Macho, Mang Temi, Redford White, at si Vic(tor) Ungasis. Tuwang-tuwa ka sa show na ito, at memorize mo ang lyrics ng opening theme song.

112. Napakasipag ng mga Metro Aide maglinis ng kalye. Ang original na Metro Aide ay naka-suot ng dilaw na kamiseta, na may pulang long sleeve sa ilalim, pulang kerchief, at sumbrero.

113. Nanunuod ka ng "Chicks To Chicks" on IBC 13. Starring: Freddie Webb, Nova Villa, Carmi Martin, Chito Arceo, Sammy Lagmay, Dina Bale, Ruby Anna, Malou De Leon, at yung cute na tisay na si Theresa Carlson "Si ikaw si ako!" also famous for saying "Tutut!" meaning: "Totoo".

114. Napaka-futuristic ang dating sa iyo ng movie poster ng "Class of 1984". Isa yun sa maraming movie poster na nakikita mo sa Pancake House sa tabi ng Greenhills Theater.

115. Naglalaro ka ng SuperTrump card game.

116. Pinakita sa commercial na matibay ang Sheraton Bed matapos daanan ng pison at tapak-tapakan ng elepante.

117. Hindi pa pininturahan ang lion sa Kennon road na dinadaanan mong papuntang Baguio.

118. Tuwing pasko may carnival sa kanto ng Edsa at Ortigas. (Doon ngayon nakatayo ang Edsa Shrine). Malaking lote pa yun noon na abot hanggang poveda.

119. King Sue ang isa sa mga brand ng hamon na nauubos pag dating ng pasko.

120. Napansin mo minsan na mukhang mas maraming commercial ang Gold Eagle beer, pero bumabawi ang San Miguel pag pasko.

121. Ang available sizes ng bote ng Coke noon ay Family Size, at 8 oz. Di nag tagal, nagkaroon ng 12 oz. at Coke Litro na prinomote ng VST & Company sa kanilang nationwide Coke Tour.

122. Field trip ng school mo sa Magnolia Plant sa Aurora Boulevard. Doon din kayo ng pamilya mo pumapasyal para kumain ng ice cream treats sa Magnolia Ice Cream House. Meron din namang Magnolia Ice Cream Parlor sa lumang Quad.

123. Tawang-tawa ka sa T.O.D.A.S. starring: Joey De Leon, Spanky Rigor, Val Sotto, Freida Fonda, at Maribeth Bichara.

124. Kakalabas pa lang ng Maggie Bullion Cubes.

125. Nanunuod ka ng Children's Hour ni June Keithley.

126. Pang-mayaman ang aircon kaya naman Standard at 3D ang mabentang electric fan. Yung mga unang model mukhang futuristic dahil may timer na di-pihit at LCD display alarm clock. Si Yoyoy Villame ang lagi mong nakikita sa mga electric fan commercials sa tv at mga print ads.

127. Bilib na bilib ka sa cassette player o Walkman na may Auto Reverse!

128. Kakalabas pa lang ng tv commercial ng BigBang (black & dark brown wrapper), Cloud 9 (brown wrapper), at All Stars (yellow wrapper) chocolates. Pumunta ka sa sari-sari store para tikman ito, pero nakapagtataka kung bakit ang All Stars ang laging wala o mabilis maubos. Kaya naman puro BigBang at Cloud 9 na lang ang binibili mo. Minsan mo lang natikman ang All Stars at bigla na lang nawala at hindi na binebenta kahit saan mo pa hanapin.

129. Elpo hi-cut rubber shoes: Chuck Taylor style na gawa sa canvas, na itim ang signature color. Favored by action stars like then mayor Joseph (Erap) Estrada.

130. Mariwasa: Motorcycle distributor ng Honda na may showroom katapat ng Magnolia Plant sa Aurora Boulevard. Owned by the Coseteng family.

131. Masarap at mura ang mga bakery goodies ng Up-to-Date Bakery (mid '60s), was around during pre-underpass Cubao, corner Aurora Boulevard and Edsa, katapat ng Mercury Drugstore. Malapit sa sakayan ng jeep na papuntang N. Domingo.

132. Pag sumasakay ka ng bus gaya ng pulang JD Transit, may sasakay na inspector na chechekin ang mga ticket ng mga pasahero. Sinusulat niya ang mga numero ng mga ticket sa kanyang mahabang listahan na maayos na nakatiklop sa bulsa ng kanyang matinding naka-almirol na uniporme.

133. "Monkey-monkey Anabel. How many monkeys did you see?" ("Five!") "1, 2, 3, 4, 5, and a riki-tiki-tik and a blue black sheep. I-spell NO, n, o. I-spell YES, y, e, s, Aaaaa-les!"

134. Natatawa ka sa kabadingan ni Soxy Topacio pag nanunuod ka ng Duplex.

135. Si Boots Anson Roa ang laging nagtitimpla ng kape sa mga Blend 45 Coffee commercials.

136. Ariel After Six hosted by Ariel Ureta.

137. Crush mo si Linda Carter ng Wonder Woman.

138. King Philip ang tailoring at haberdashery shop sa Taft Ave, na nagtatahi ng barong in 8 hours lang!

139. Charing ang music group na kumanta ng "B.A.D.A.F, Badaf, Badaf, Forever!"

140. Ang pinakamasarap na brand ng hotcake mix ay Hungry Jack (pulang box), at White King brand (dilaw na box). Hotcake ang tinatawag pag niluto sa bahay. Tinatawag mo lang pancake kapag inorder mo sa restaurant tulad ng hotel o Pancake House.

141. Halos lahat ng makilala mong magagandang babae ay gusto maging flight stewardess ng PAL (Philippine Airlines). Noong araw sikat ang maging flight stewardess, ang tinggin sa kanila ng mga tao ay parang model o artista.

142. Lagi mong pinapanuod ang Charlie's Angels at crush mo sina Jaclyn Smith at Cheryl Ladd

143. Kilala mo si Gloria Diaz dahil sa kanyang pagpanalo ng Miss Universe noong 1969.

144. Aliw ka sa pangalan ng mga softdrink beauties na sina: Pepsi Paloma, Sarsi Emanuel, at Coca Nicolas.

145. Pag nasugatan ka, pahiran mo ng Sebo De Macho para hindi magpeklat.

146. Pag sumakay ka ng eroplano, bibigyan ka ng magandang airline bag na may toiletry kit sa loob.

147. Si Lea Salonga ang batang kumakain ng instant gulaman sa Alsa commercial.
 
======================
scb031008



 
~sHeRiLL~
 
"For I know the plans I have for you," declares the Lord,
 plans to prosper you and not to harm you,
 plans to give you hope and a future." - Jeremiah 29:11


Looking for last minute shopping deals? Find them fast with Yahoo! Search.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home